Pinuri ng mga nasa industriya ng mga magbababoy ang pagpapalawig ng taripa sa ilang meat products.
Ayon sa Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) and the Meat Importers at Traders Association (MITA) na may magandang kahinatnan ang pagpapalawig ng pagpapababa ng taripa sa mga pork at mechanically deboned meat ng poultry ng hanggang 2028 sa ilalim ng Executive Order 62.
Sinabi pa ni PAMPI vice president Jerome Ong na kanilang mababawi na ang ilang tumataaas na mga presyo ng ilang mga raw materials at fuel para mapanatili ang kanilang presyo.
Sa pagtaya nito ay tumataas ng 10 hanggang 15 percent ang mga presyo ng mga raw materials.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang EO na nagpapanatili ng mababang taripa sa mga poultry mechanically deboned meat ay makakatulong sa para maging abot kaya ang presyo nito.