DAVAO CITY – Agad na nagsilikas ang mga residente sa matatas na lugar sa Maco, Davao De Oro matapos nilang mamataan na nawala ang tubig sa dagat matapos ang pagyanig ng 6.1 na magnitude na lindol kagabi.
Pero nilinaw ng Office of the civil defense o OCD XI na walang banta ng tsunami sa nasabing lugar.
Bumuhos ang malakas na ulan matapos niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Davao De Oro at ang katabing mga probinsiya nito.
Naapektuhan ang 6 na mga bayan na binubuo ng Nabunturan, Mawab, Montevista, New Bataan, Monkayo at Maco.
Dahil sa di inaasahang lakas ng lindol, agad na sinuspinde at kinansela ang klase at trabaho
Suspendido ang klase at ang trabaho sa lahat ng mga government offices ng Davao de oro ngayong araw na ito dahil sa malakas nga lindol kagabi.
Matapos ang malakas na pagyanig kagabii, kaagad nagpalabas ng advisory si Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga na wala munang pasok sa lahat ng mga public at private schools sa kanilang probensiya pati na rin trabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan dahil magsagawa muna sila ng inspection at assessment kung gaano kalala at kalaki ang naging damyos sa lahat ng mga buildings at mga estraktura sa kanilang probensiya.
Batay sa tala ng phivolcs sentro ng pagyanig alas 6:44 kagabi ang bayan ng New Bataan sa Davao de oro kung saan mayroon itong lakas na magnitude 6.1.
Samantala, wala namang naiulat na mga damyos dito sa Davao City na naitala ang intensity III.
Samantala Inihayag ng MDRRMO Mawab na nagkaroon ng mga bitak ang San Roque Church, Mawab Public Library at RHU Birthing Facility at ang mga grocery stores sa naturang lungsod.
Kinumpirma din nito na may dalawang mga estudyante ang nasugatan sa Davao De Oror State College. Ang isang 22 years old na lalaki nasugatan sa paa habang tumatakbo palabas ng silid aralan habang ang isang 21 years old naman na babaeng mag aaral dinala sa opisina ng MDRRMO sa New Bataan matapos itong mawalan ng malay.
Sa kabilang banda naman, halos mahulog na lahat ng mga paninda sa loob ng isang Pharmacy sa Montevista sa lakas ng lindol. Wala namang nagawa ang may ari nang nabasak na ang mga paninda nitong babasagin.
Balisa naman at hindi alam ang gagawin ng nva pasyente at watchers sa Davao de Oro Ptovincial Hospital sa pagyanig ng lupa dahil may mga tipak silang nakita sa mga dingding ng nasabing hospital.
Halos naman sa mga pasyente na agad na pinalabas ay mga buntis at mga bata.
Agad namang lumikas ang mga residente sa takot na baka magka tsunami dahil na rin umano sa pagkawala ng tubig dagat. Agad naman itong nilinaw ng office of the civil defense na walang threat umano ng tsunami
Sq nasabing lugar.
Sa ngayon, patuloy pa rin na inaasses ng PDRRMO ang kabuuang damyos ng pagyanig ng magnitude 6.1 na lindol