-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 550 na mga ilaw ng tahanan sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao ang tumanggap ng regalo.

Ayon kay Datu Montawal Mayor Datu Ohto Montawal na taon-taon ay ginagawa nila ito bilang pasasalamat sa mga ina ng tahanan na may malaking papel sa bayan ng Datu Montawal lalo na sa pakikiisa at suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Nararapat lamang na silay handugan ng regalo bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon.

Nakaugalian na ang pamimigay ng regalo ng mag-amang Mayor Ohto at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal bago magtapos ang taon sa mamamayan ng kanilang nasasakupan.

Ang regalo sa mga ina ng LGU-Datu Montawal ay bahagi ng inisyatibo ng unang ginang ng bayan Bai Kristel “Bing”Montawal.

Umuwing may ngiti ang mga ina na nabigyan ng regalo na inabot mismo ng mag-amang Montawal.

Matatandaan na una ng nabigyan ng regalo ang mga senior citizen at may mga kapansanan sa bayan ng Datu Montawal.