-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng inangkat na bigas sa unang tatlong buwan ng taong 2025.

Ayon sa Department of Agriculture, na mayroon lamang 641,000 metric tons ang bilang ng mga inangkat na bigas nitong Marso 13 kung saan ito ay mas mababa ang 1.2 milyon na metric tons sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Agriculutre Assistant Secretary Arnel De Mesa na nangangahulugan nito na mas mataas ang pumasok na mga imported na bigas noong nakaraang taon.

Isa sa mga dahilan na nagkaroon ng problema sa produksyon ng bigas noong nakaraang taon ay ang El Nino.

Noong 2023 at 2024 ay nanguna ang Pilipinas sa may maraming na-angkat na bigas sa buong mundo.