-- Advertisements --
Kaagad na nagdesisyon ang Bureau of Animal Industry na patayin at katayin ang higit 60 na kambing na inangkat pa mula sa Amerika.
Ayon sa ahensya, ang mga kambing ay nagkaroon ng Q-Fever na siyan naman dinala sa isang breeding station sa lalawigan ng Marinduque.
Ipinag-utos rin ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang pagpatay sa mga hayop na nakasalamuha ng mga kambing na inangkat sa amerika.
Layon aniya ng hakbang na ito na mailayo sa panganib ang kalusugan ng mga mamamayang Pilipino.
Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang pag-angkat ng kambing sa nasabing bansa.
Sinuspinde rin ang ilang tauhan ng Bureau of Animal Industry na pumayag sa pag-aanagkat nito habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.