Pumalo na sa mahigit dalawang milyong indibidwal ang naapektuhan ng umiiral na El Niño Phenomenon sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw.
Ayon sa ahensya, ang bilang na ito ay katumbas ng mahigit higit sa 471,000.
Batay sa datos, naitala ang numerong ito mula sa 11 rehiyon sa bansa.
Kabilang na rito ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at BARMM.
Wala ring patid ang DSWD sa paghahatid ng mga kinakailangang tulong ng mga apektadong pamilya.
Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na maipaabot ang kanilang mga ayuda at asistensya.
Sa datos ng DSWD, sumampa na sa ₱64.5-milyon ang kabuuang halaga ng kanilang naipaabot na humanitarian assistance as of April 23.