Ilang araw matapos ang hagupit ng habagat at bagyong Carina sa bansa, pumalo na ngayon sa 3.6-M ang apektadong indibidwal ng nagdaang sama ng panahon.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, ang naturang indibidwal ay katumbas ng 1.1 milyong pamilya na naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha.
Ito ay mula sa mahigit 3,500 na barangay sa labing isang rehiyon ng Pilipinas.
Sa ngayon, aabot pa rin sa 16,000 pamilya ang namamalagi sa mga itinalagang evacuation centers katumbas ng 62,000 indibidwal.
Tiniyak rin ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Sa pinakahuling datos ng DSWD, umabot na sa P228.6-M halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot nito sa mga LGUs.
Pumalo na rin sa 943,749 family food packs ang naihatid nito sa NCR, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol region.