Mahaharap sa karampatang kaparusahan ang sinumang lalabag sa ipinatutupad ng COVID-19 guidelines ng pamahalaan.
Ito ay matapos na hindi sumailalim umano sa quarantine protocols ang isang balikbayan mula Estados Unidos na kalaunan ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Sa isang statement ay sinabi ng Department of Health (DOH) na ang hindi pagsunod sa mga nasabing alituntunin at polisya ay paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Maaari rin anila ito humantong sa mga criminal penalties tulad ng pagmumulta, pagkakakulong, gayundin ang mga administrative penalties tulad ng suspensyon, o pagbawi ng accreditation ng mga depende sa bigat ng kanilang pagkakasala.
Dahil dito ay patuloy na hinihimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na quarantine protocols sa bansa.
Anila, hindi ito ang tamang panahon upang mag-relax ang lahat at ilagay sa peligro ang buhay ng iba sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga ito.