Kinumpirma ng Department of Health na bumaba na ang bilang ng mga indibidwal na nahahawaan ng sakit na Pertussis sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa , nakakapagtala na lamang ang ahensya ng 50 kaso ng Pertussis kada linggo .
Mas mababa ang naturang bilang kumpara sa naitalang 300 na kaso kada linggo noong buwan ng Abril.
Batay sa datos, nakapagtala ang ahensya ng 131 na kaso ng Pertussis mula July 7 hanggang July 20. Aabot naman sa 77 case noong July 21 hanggang August 3 at 19 na kaso mula August 4 hanggang August 17.
Paliwanag ng ahensya, resulta ito ng kanilang isinagawang routine vaccination sa ibat-ibang lalawigan sa bansa.
Sa ngayon, apat na rehiyon ang nakitaan ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit at ito ang Cagayan Valley, Metro Manila, Western Visayas, at Davao Region.