Pumalo na sa mahigit 3.8 million na mga Ukrainian na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia.
Batay sa inilabas na datos ng UN refugee agency, nadagdagan pa ng 48,450 ang bilang ng mga Ukrainians na tumakas na sa kanilang bansa na magdadala naman sa 3,821,049 na kabuuang bilang nito.
Anila, 90% sa mga ito ay pawang mga kababaihan at kabataan, habang nasa 2.2 million naman ang lumipad patungong Poland, sa Romania naman lumikas ang nasa mahigit kalahating milyon refugees dito, at papalo naman as 300,000 ang bilang ng mga indibidwal na nagtungo sa Russia.
Sinabi naman ng UN children’s agency na nasa 4.3 million na mga kabataan na mas madami pa sa kalahati ng 7.5 million na estimated child population ng Ukraine, ang napilitang umalis sa kanilang mga tahanan.
Samantala, sinabi naman ng ahesnya na bumababa na ang bilang mga naitatalang nasasawi na hindi nman bababa sa 100,000 kada araw at maging ang 50,000 sa mga nagaang araw.Top