-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Koronadal PNP kaugnay sa malawakang panloloko na nangyayari sa lungsod kung saan sangkot umano dito ang isang grupo ng kababaihan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Koronadal PNP chief of police Lt. Col. Joefel Siason, inihayag nitong patuloy ang kanilang masusing pag-iimbestiga sa panlolokong ginagawa ng mga suspek lalo na sa mga negosyante.

Maging ang mga indigenous people na benepisyaryo ng 4Ps program ay nabiktima rin kasi matapos nakuha ng mga suspek ang kani-kanilang ATM cards.

Ayon kay Siason, inaalam rin nila ang mga posibleng sangkot din dito katulad ng ilang mga opisyal ng gobyerno, abugado, pulis o sinumang opisyal.

Sa huli nananawagan ito sa mga biktimang dumulog sa kanilang tanggapan at magsampa ng kaso upang masugpo ang nasabing scam.