Nananawagan ang mga stakeholder ng industriya ng pangingisda para sa paglikha ng isang Department of Fisheries upang matugunan ang mga isyung bumabagabag sa teritoryong karagatan ng bansa.
Sa pahayag na inilabas ni former Bureau of Fisheries and Aquatic Resources director Atty. Asis Perez, sinabi rito na matagal na itong panawagan ng mga nasa industriya .
Aniya, dapat nating pangalagaan ang Exclusive Economic Zone ng bansa at makikitungo sa mga internasyonal na isyu.
Ang isang maliit na ahensya tulad ng BFAR ay hindi sapat para gawin ang lahat ng mga gawaing iyon.
Kailangan umano bumuo ng isang balangkas ng patakaran na magtitiyak na ang pribadong sektor ay magiging inspirasyon, mamuhunan, maglagay ng pera upang ang pangisdaan na bahagi ng blue economy ay ganap na maisakatuparan.
Suportado naman ni Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) president Edicio de la Torre ang hakbang.