-- Advertisements --
Rice cookers
rice cookers/ NYPD image

Nagdulot ng takot sa mga residente ang tatlong suspicious devices na natagpuan sa downtown area sa New York.

Unang natagpuan ang dalawang package sa Fulton Street subway complex kung saan agad na rumesponde ang dalawang counterterrorism officer at ng tignan ay isang walang laman na rice cooker.

Sumunod na natagpuan ang pangatlong rice cooker sa West 16th Street na ito ay nilagay sa may basurahan.

Malaki ang paniwala ni NYPD Chief of Transit Edward Delatorre na iisa ang suspek na nag-iwan ng mga rice cooker.

Ayon naman kay NYPD Deputy Commissioner of Intelligence and Counterterrorism John Miller na lahat ng mga rice cookers ay iisa ang tatak.

Nakita rin nia sa kuha ng CCTV ang isang lalaki na nasa edad 20 na iniwan ang nasabing mga rice cookers.

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa lalaking nag-iwan ng rice cookers.