-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang Department of Science and Technology (DOST) – Cordillera sa pagbibigay ng tulong sa mga Person’s Deprived of Liberty (PDL) o mga preso at sa mga lokal na pamahalaan sa Mountain Province.

Ayon kay Alfonso Berto Sr., director ng DOST-Mountain Province, kamakailan lamang ay nagbigay ang ahensiya ng P260,000 para sa PDL sa lalawigan.

Ipinaliwanag niya na ang pondo ay gagamitin para sa pagbili ng mga welding machine, bender at cutter para sa livelihood ng mga inmates sa Mountain Province.

Idinagdag ni Berto na maliban sa para sa mga inmates ay nagbigay din ang DOST ng P600,000 sa lokal na pamahalaan ng Bauko, Mountain Province para sa solid waste management ng bayan.