-- Advertisements --
Nagdagdag na ang Instagram, isang photo and video-oriented social network na pag-aari ng Facebook, ng kaparaanan para agad na maireprt ng mga users ang mga maling impormasyon at mga post.
Ang bagong tool ay magagamit ng mga users sa pamamagitan ng pag-tap sa larawan kung saan may lalabas dito na report at “false information”.
Sinabi ni Facebook spokewoman Stephanie Otway, na inaasahan sa katapusan ng buwan ay magiging available na ito sa lahat.
Simula aniya ngayon ay maaari ng isumbong ng kanilang users ang mga post sa Instagram na pinaniniwalaan nilang peke.
Isa lamang aniya itong paraan ng kanilang kumpanya na malabanan ang pagkalat ng mga misinformation.