-- Advertisements --
Sasailalim sa risk assessment ang lahat ng mga insurance firm sa bansa.
Layon nito ay para maiwasan ang anumang uri ng money laundering at ang terrorist financing na maaring makaapekto sa kanilang operasyon.
Sa inilabas na circular letter ng Insurance Commission (IC) na mayroon ng mga panuntunan para sa pagsasagawa ng institutional risk assessment (IRA) sa mga insurance at reinsurance firms at brokers, mutual benefit association, pre-need companies at health maintenance organizations.
Nakasaad sa panuntuna ng IC na magsasagawa sila ng IRA kada dalawang taon o kung hanggang kailan na maaring ipag-utos ng ahensiya.