-- Advertisements --

Mayroong mga internatioanl election organization ang naimbitahan ng Commission on Election (COMELEC) na mag-obserba ng halalan sa bansa.

Sinabi ni Comelec Director Elaiza David, pinadalhan na nila ng imbitasyon ang 25 election bodies na makibahagi sa International Election Observation Program.

Magtutungo ang mga ito sa bansa para personal na panoorin ang aktual na nagaganap na halalan sa bansa.

Ilan sa mga nagkumpirma ng kanilang pagdalo ay mula sa Election Commissions ng India, Mongolia, Thailand, Taiwan, Georgia, Maldives , Bhutan at maramig iba pa.

Hindi naman makikibahagi ang mga Election Department ng Singapore, Romania at Republic of Korea.

Papadalhan muna ang mga ito ng electronic briefer para pag-aralan ang ilang mga magaganap sa halalan bago ang personal na pagbabantay.