-- Advertisements --

Bubuksan na ng Damascus airport sa Syria ang kanilang mga internatioanl flghts sa susunod na linggo.

Mula kasi ng mapatalsik sa puwesto si President Bashar al-Assad noong nakaraang buwan ay natiigil ang mga international flights sa capital ng Syria.

Sinabi ni Ashhad al-Salibi, ang namumuno sa General Authority of Civil Aviation and Air Transport na kanilang tinitiyak na ang mga Arab at international airlines na kanilang naayos ang mga paliparan ng Aleppo at Damascus airport.

Magugunitang noong Disyembre 18 ng nakaraang taon ng ipinagpatuloy ng Syria ang mga operasyon ng mga domestic flights.