-- Advertisements --

Kinansela na ng China ang pagsasagawa sa kanilang bansa ng mga international sports sa natitirang buwan ng 2020.

Kabilang dito ang pagsasanay sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.

Ang kautusan ng General Administration of Sports ay makakaapekto sa anim na WTA tennis events kabilang na ang WTA Finals sa Shenzehn sa Nobyembre.

Mayroong dalawang malalaking golf events din ang Shanghai na naapektuhan ito ay ang men’s HSBC Champion at LPGA Shanghai.

Kasama ring naapektuhan ang paghost nila ng Asian sports climbing championship sa Oktubre at ang badminton World Tour Finals sa Guangzhou sa Disyembre.

Isa sa naging dahilan ng gobyerno ay nais nilang tuluyan ng matigil na ang pagkalat ng virus matapos na tuluyan nilang mapahinto ang local transmission.