-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacsona na nagsimula ng bumuo ng grupo ng internet trolls sa bawat probinsiya ang isang mataas na opisyal ng gobyerno para siraan ang kritiko ng administrasyon at ang posibleng makakalaban nila ng sa 2022 elections.

Hindi na binanggit pa ng senador ang pangalan ng opisyal at sinabi na lamang na isang undersecretary ito ng isang ahensiya ng gobyerno.

Nabunyag lamang ang pangyayari matapos na lapitan ang isa niyang dating staff kung saan hindi nito tinanggap ang alok.

Muling iginiit ng senador na dapat matuto na ang mga tao kung saan napapanahon na para itaas ang level ng pagpili ng mga kandidato na pauupuin sa gobyerno para hindi na dumanas pa ng kahirapan ang bansa.