GENERAL SANTOS CITY – Nanggagalaiti sa galit ang mga investors ng ALAMCO(Alabel Maasim Credit Cooperative) matapos na biglang mag-holiday break ang naturang investment scam.
Sumugod ang mga investors sa main office nito sa Alabel Sarangani Province ngunit bumungad sa kanila ang tarpaulin na may nakasulat na holiday break hanggang sa January 2020.
Halos lahat sa mga ito umaasang magiging ‘merry’ ang kanilang Christmas matapos na pinangakkuan na makukuha ang kanilang investment pati interes ng kanilang pera nitong araw subalit silay nabigo.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan sa isang nagpakilalang investor na humiling na hindi na ibunyag ang kanyang pangalan at hindi rin ipakita ang pagmumukha, inihayag nito na ang kanyang pagkadismaya matapos hindi tinupad ng radio station na pagmamaari ng ALAMCCO na maibabalik pa ang kanilang pera.
Nalaman na ang nasabing ginang ay nag-invest umano ng mahigit P40 million kasama ang kanyang mga kaanak.
Nanawagan rin ang ilang mga nag-invest ng salapi ng humarap sa kanila si Pastor Jerson Cagang at kanyang mga opisyal sa mga tao na sumugod sa kanilang opisina nitong araw.
Nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataong pag-aanunsyo ng ALAMCCO ng holiday break.