GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na ipinagbabawal ng Alkalde ng Alabel na si Hon. Vic Paul Salarda na pakialaman ang mga gamit gayundin ang gusaling naiwan na pag-aari ng founder ng Kabus Padatuon (KAPA) na si Joel Apolinario.
Ayon sa Alkalde, ipinaubaya nito sa Barangay Chairman ng Bagacay ang pagbabantay sa nasabing gusali.
Itoy kasunod ng ipinaabot sa kanya na ulat na noon ay may ilang indibidwal na kanilang nakita na kumuha ng ilang mga kagamitan at dinismantle rin ang ilang bahagi ng gusali na maaarin pa nilang pakinabangan.
Kaya naman noong nagdaan, ipinagbawal ni Mayor Salarda ang sinumang indibidwal na makialam sa mga ari-arian ni Apolinario, lalo pa’t nagpapatuloy ang paglilitis ng kaso.
Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na wala silang natatanggap na utos mula sa korte kaugnay ng ari-arian ni Apolinario, ngunit siya mismo ang nag-utos na huwag galawin ang anumang pagmamay-ari ni Apolonario.