-- Advertisements --

Kapansin-pansin umano ang mga naging iregularidad sa behavior ng tatlong personnel ng Office for Transportation Security (OTS) na siyang sangkot sa hindi umano’y isang insidente ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong ika-anim ng Marso.

Ayon kay dating police official at kasalukuyang OTS Usec. Arthur Bisnar, dapat ang unang gagawin batay na rin sa Standard Operating Procedure (SOP) sa kanila ay sa mismong pagkuha ng gamit at sa scanner pa lamang dapat ay naipapatupad na ang physical scan sa mga gamit upang macheck ng maayos kung mayroon nga ba talagang kahina-hinalang bagay sa mga bagahe ng pasahero.

Dito pa lamang aniya makikita na talagang mayroong pagkukulang ang mga personnels sa naturang insidente.

Hinabol pa kasi ng mga naturang personnels ang pasahero hanggang sa boarding gate nang hindi sigurado kung yun ba talaga ang bagahe at yun nga ba ang pasahero na kanilang hinahanap.

Samantala, hindi naman aniya kailangang bastusin at harasin ang mga pasahero upang maipatupad lamang ang maayos na seguridad sa loob ng paliparan.

Ani Bisnar, maraming paran para matiyak at hindi makumpirmiso ang peace and order sa loob ng terminal at hindi aniya kasama sa mga paraan na ito ang pambabastos at panghaharas sa mga pasahero.

Sa ngayon ay nasibak na sa pwesto ang tatlong OTS personnel at kasalukuyang nakikipagugnayan din ang OTS at Department of Transportation (DOTr) sa mismong biktima para sa mga kasong kakaharapin ng mga personnels matapos ang ginagawang imbestigasyon sa mga ito.