-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nanatili sa kustodya ng PNP ang tatlong magkakaibigan dahil sa paglalagay nila ng insecticide sa isang ilog sa bahagi ng Barangay Estancia, Piddig, Ilocos Norte.

Kinumpirma naman ni Barangay chief tanod Noel Domingo na anak niya ang isa sa mga suspek.

Aniya, nag-inuman ang anak niya at dalawa nitong kaibigan at pagkatapos ay nagtungo sila sa ilog at ibinuhos ang insecticide.

Ito ay upang mas madali nilang makuha ang mga isda sa nasabing ilog.

Matapos malaman ni Domingo ang ginawa ng anak nito at dalawa nitong kaibigan ay siya na mismo ang nag-surrender sa mga ito sa PNP-Piddig.