Ligtas nang kainin ang mga isdang nahuhuli sa Manila Bay, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ni BFAR Officer-in-charge Isidro Velayo Jr., ligtas na para sa human consumption ang mga isdang nahuhuli sa naturang karagatan, batay sa isinagawang evaluation at testing.
Unang nangulekta ang BFAR ng mga samples ng isda, alimango, hipon, shellfhish, atbpang lamang dagat nitong Martes mula sa iba’t-ibang bahagi ng Manila Bay at pawang pasado ang mga ito isinagawang sensory evaluation sa ikatlong round.
Sa bagong deklarasyon ng BFAR, ligtas nang kainin ang mga isda at iba pang seafood mula sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Pampanga, at Batangas, kasama ang mga munisipalidad ng Naic, Ternate, Kawit at Maragondon sa Cavite.
Bilang epekto ng oil spill, tinataya ng BFAR ang income loss ng mga mangingisda na nasa P346.69 per day.
Humigit-kumulang 28,373 mangingisda naman ang apektado sa tumagas na langis kung saan mahigit 26,000 dito ay nanggaling sa probinsya ng Cavite.