-- Advertisements --

Hinikayat ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang lahat ng mga Italian investors na mamuhunan sa sector ng transportasyon sa bansa.

Ayon kay Bautista, malaki ang maitutulong nito upang maging maganda ang transportation sector sa Pilipinas.

Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag sa ginanap na ASEAN-Italy Economic Relations.

Sa naturang forum ay binigyang diin ni Bautista na malaki ang potential ng mga malalaking transportation project ng gobyerno.

Ibinahagi pa nito na nakatutok ang Department of Transportation sa patuloy na pagsasagawa ng mga proyekto sa ilalim pa rin ng Public-Private Partnership.

Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon na makapasok ang mga private investors sa mga proyekto ng pamahalaan.

Kabilang sa mga bansang nakipag tie-up na sa Pilipinas ay ang Japan, US, United Kingdom, China, South Korea, Singapore, Belgium, at Switzerland.