CENTRAL MINDANAO-Pinawalang bisa ang lahat na mga opisyal na itinalaga ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Majiv Hataman.
Ito mismo ang kinumpirma ni Bangsamoro Education Minister Mohagher Iqbal.
Ang mga ni-revoke ay ang lahat na mga opisyal na itinalaga ni Hataman kabilang na ang Dep-Ed Secretary at mga appointees ng defunct ARMM.
Alinsunod sa nakasaad sa memorandum 121 ng tanggapan ng Bangsamoro Ministry on Basic Higher and Technical Education na lahat ng mga designated officials ng DEPED ARMM ay pinawawalang bisa sa kanilang posisyon.
Sinabi ni Minister Mohagher Iqbal na ang kanilang hakbang ay bahagi ng mabuting pamamahala at paghahanda na rin sa ministerial structural form na ipinapatupad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamumuno ni Chief Minister Murad Ebrahim.
Nilinaw ni Iqbal na masyadong namamaga na ang burukrasya sa kanilang tanggapan kaya pinawalang bisa ang mga opisyal na itinalaga ni Hataman at mga nagdaang mga Dep-Ed Regional secretaries.