Magagamit na ang mga isolation facilities na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC) sa iba’t-ibang unibersidad sa Metro Manila.
Sinabi ni testing czar Vince Dizon na matatagpuan ang mga ito sa UP Diliman, Ateneo de Manila sa Quezon City at Dela Salle University sa Maynila.
Kinumpirma rin sa kaniya ng Red Cross na nakatakda rin silang magtayo ng iba’t-ibang isolation facilities sa ibang pribado at pampublikong paaralan.
Bukod aniya sa itinayo ng PRC sa mga unibersidad ay nagtayo rin sila ng mga pasilidad gaya sa Lung Center of the Philippines, Naitonal Kidney Institute at sa ibang mga pagamutan sa Metro Manila ganun din sa mga tertiary hospital ng DOH at LGU hospitals.
Magugunitang sinabi ni Philippine Red Cross chairman Richard ‘Dick’ Gordon, na kaya sila nagtayo ng mga iba’t-ibang isolation at tent facilities ay para tulungan ang mga pagamutan sa National Capital Region na napupuno na ng mga itinatakbong pasyente na dinadapuan ng COVID-19.