-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatili umanong negatibo sa coronavirus disease ang lahat ng mga jail facility sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jail Senior Insp. Dr. Jaime Claveria, hepe ng Health and Medical Services Division ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol, mahigpit umano ang ipinatutupad na total lockdown sa mga jail facilities kasabay ang mga precautionary measures.

Ayon kay Claveria, araw-araw na kinukuha ng naka-standby na mga nurse ang temperatura ng lahat ng jail personnel at persons deprived of liberty.

Nagkakaroon rin ng disinfection sa buong pasilidad habang nagbibigay naman ng power point presentation sa mga PDLs upang maunawaan ng mga ito ang paghihigpit ng otoridad dahil sa banta na dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 25 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol habang dalawa na ang naiulat na namatay dahil sa komplikasyon ng sakit.