-- Advertisements --

Pinapamadali ng grupo ng mga jeepney drivers ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa route rationalization plan para sila ay makabalik na sa pamamasada.

Mula kasi magsimula ang coronavirus pandemic ay maraming mga jeepney drivers ang hindi nakapasada.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kasalukuyan pa nilang inaayos na mga route plan para tuluyan ng makabalik ang mga jeepney drivers.

Sa mahigit 50,000 na jeepney drivers sa Metro Manila ay mayroong 21, 888 ang pinayagan.