-- Advertisements --
jeep

Aabot sa 97 percent ng mga PUJ (public utility jeepney) at PUV (public utility vehicle) operators ang lalahok sa ikakasang tigil pasada sa darating na Lunes, Setyembre 30.

Ayon ito sa grupong Piston, ACTO, Stop and Go Coalition at Alyansa Kontra PUV Phase Out, na humarap sa Kamara kasama si DIWA Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay.

Sinabi ng naturang mga grupo na nais nilang ipapanawagan ang pagpasa sa panukala ara sa patas at makatwirang PUJ modernization program.

Inirereklamo ng mga jeepney operators ang napakamahal na halaga ng ipapalit sa mga jeep na ang isang unit ay aabot ng P2.4 million hanggang P2.8 million.

Anila, lalong malulubog sa utang ang mga mahihirap na jeepney drivers habang ang mga mayayaman at malalaking korporasyon lamang ang nakikinabang dito.

Samantala, nanawagan si Aglipay na ipasa agad ang kanyang inihain na House Bill 4823 para sa kapakanan ng mga PUJ at drivers.

Suportado naman daw nila ang modernisasyon ng pamahalaan sa mga PUVs, ngunit dapat ay isaalang-alang din ang kapakanan ng mga mahihirap na single jeepney operators at drivers.