-- Advertisements --

Nangungunang ikinokonsidera ngayon ng mga naghahanap ng trabaho ay ang sahod, work-life balance at career progression.

Ayon kay Jobstreet Philippines Country Manager Philip Gioca, na ang nasabing mga prioridad ay naiba kumpara sa mga job applicants noong nangyari ang COVID-19 pandemic.

Dagdag pa nito na nagkaroon ng pagbabago sa konteksto ng kasiyahan dahil sa pandemya.

Lumabas din sa kanilang pag-aaral na nais ng mga jobseekers na magkaroon ng trabaho na mayroong hybrid setup o remote arrangements.