-- Advertisements --

Nagbabala si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na gagawa ng kaukulang mga hakbang ang mga kaalyado ng Pilipinas kapag tatangkain ng China na magpatupad ng mga restiksyon sa kalayaan sa paglalayag sa pinagtatalunang karagatan.

Sa report ng US news agency company na Associated Press (AP), sinabi ng DND chief na sa katunayan ang pinakamalaking external threat ay ang agresyon, expansionism at pagtatangka ng China na baguhin ang international law sa pamamagitan ng paggamit ng pwersa o baguhin ang kaayusan sa mundo na kontrolado nito.

Ang pahayag na ito ng kalihim ay kasunod ng mga engkwentro sa pagitan ng aircraft ng China laban sa mga sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas, Australia at Amerika sa contested waters.

Aniya, ang naturang hakbang ay napaka-seryosong paglabag ng international law na nangangailangang pagtugon ng bansa.

Saad pa ng kalihim na gagawa ang PH ng kombinasyon ng mga hakbang kasama ang like-minded nations para labanan ang ganitong mga maniobra mula sa China.

Nakabuo na aniya ang PH kasama ang mga kaalyado nito ng contingency measure para tugunan ang kaparehong mga insidente.