-- Advertisements --

Nanindigan ang mga kaalyado ni US President Joe Biden sa House of Representatives na matibay pa rin ang kanilang suporta.

Sinabi ni House Democratic Caucus Chair Pete Aguilar na nagkaisa isa na kung sino ang nominado ng kanilang partido ay yun ang kanilang susuportahan.

Giit nito na gagawin nila ang lahat ng makakaya para hindi na makabalik pa sa pamumuno si dating US President Donald Trump.

Magugunitang maraming mga kritiko ni Biden ang nagsabing hindi na dapat tumakbo ito sa pagkapangulo dahil sa kuwestiyonable ang kaniyang kalusugan.