-- Advertisements --

Halos tulala pa rin ang mga kaanak ng anim na nasawi sa malagim na sunog kanina sa Navotas City.

Sa loob lang kasi ng 20 minuto, binawian ng buhay ang anim katao, kung saan karamihan ay mga bata.

Nangyari ang trahedya sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan sa Navotas City.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang mga nasawi na sina: Donsito Boiser, 41-anyos, ama; Reynosa Muscoso, 41, ina; Raymond Boiser, 10, anak; Arriana Boiser, 3, anak; Reinna Boiser, 2, anak at Natalia Boiser, 14, pamangkin.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog na nagsimula dakong-5:21 a.m. at idineklarang fireout dakong alas-5:44 a.m.

Nabatid na gawa lamang sa light materials ang bahay ng mga biktima.

Ilang residente naman ang nag-ambagan para matulungan ang mga naiwan ng mga nasawi para sa pag-aasikaso sa mga bangkay.