-- Advertisements --

Mismong mga kaanak na ng mga dialysis patients ang nag-ambagan para maalalayan ang mga testigo sa “ghost dialysis” controversy na sina Edwin Roberto at Liezel Santos.

Ayon sa abogado ng mga ito na si Atty. Harry Roque sa panayam ng Bombo Radyo, minabuti nilang ilapit na sa Witness Protection Program (WPP) ang dalawa para sa mas malawak na proteksyon at tulong.

Giit nito, marami pang isasama sa reklamo ukol sa ghost dialysis, dahil maging ang mga kasabwat ng mga opisyal ng PhilHealth na kanilang unang naibunyag ay ihahabol na rin kapag nakompleto na ang dokumentong ihahain sa mga susunod na araw.

Hangad muna ngayon ni Roque na maging ligtas at maayos ang kalagayan ng mga testigo para malayo pang tatakbuhin ng kaso.