-- Advertisements --
Sumulat ang mga kaanak na biktima ng umqno’y drug war ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay matapos na temporaryong itinigil ng ICC ang imbestigasyon sa kampanya sa iligal na droga sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa sulat ng sectoral group na Rise Up kasama ang National Union of People’s Lawyers kay ICC Prosecutor Karim Khan na walang nangyayaring imbestigasyon ng bansa laban sa mga drug war ng gobyerno.
Maguugnitang noong Nobyembre 18 ay temporaryong sinuspendi ng ICC ang pag-iimbestiga nito sa Pilipinas dahil sa may ginagawa na raw na pag-iimbestiga ang gobyerno.