-- Advertisements --
image 35

Nagsagawa ng rally ang mga kaanak ng apektadong pamilya Barangay Apas sa Times Square sa New York.

Sa rally, hinimok ng mga indibidwal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil na ang demolisyon sa mga bahay ng 158 pamilya sa Barangay Apas, Cebu City.

Nabatid na mahigit 10 taon nang subject sa legal battle ang Lot 937 sa Sitio San Miguel sa Barangay Apas.

Taong 1960s nang magsimulang lumipat ang mga residente at nagsimulang magtayo ng mga permanenteng bahay na may katiyakan ng pangmatagalang occupancy mula sa mga lokal na awtoridad.

Noong taong 2019, hindi bababa sa 200 pamilya ang sumakop sa lugar.

Gayunpaman, isang Mariano Godinez ang nag-claim ng pagmamay-ari ng property noong 2010 at humiling na gibain ang mga istrukturang itinayo sa nasabing lote.