-- Advertisements --
Inalala ng mga pamilya at mga kaibigan ng babeng nasawi sa pamamaril sa victory parade ng Kansa City Chiefs.
Kinumpirm ng mga otoridad ang biktimang radio DJ na si Lisa Lopez-Galvan, 43-anyos.
Hiniling ng pamilya nito na patuloy nilang ipagdasal ang kanilang anak.
Magugunitang nasawi si Lopez habang sugatan ang mahigit na 20 biktima ng sumiklab ang pamamaril matapos ang naganap na parada ng football team na Chiefs.
Karamihan sa mga biktima ay mga bata na ang mga ito ay nagpapagaling na sa pagamutan.
Itinuturing ng mga kapulisan na personal na alitan ang naganap na pamamaril kung saan mayroong tatlong suspek na silang naaresto.