-- Advertisements --

Magiging libre ngayong buwan ng Marso para sa mga kababaihan ang ‘entrance’ sa mga historical sites sa Intramuros, Manila.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Ayon sa Philippine Commission on Women (PCW) na libre sa mga kababaihan na makapasok sa mga heritage site na kinabibilangan ng Fort Santiago, Casa Manila Museum at Baluarte de San Diego.

Sinabi naman ng Intramuros-Administration na hindi na kailangan ng reservation basta ang mga kababaihan ay maaring personal na pumunta sa nabanggit na lugar.