-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan sa Switzerland .
Ito ay dahil sa nababagalan sila sa paggalaw ng mga mambabatas doon para isulong ang gender equality.
Ilan sa mga pinaglalaban nila na dapat maging pantay ang pagtingin ng marami sa kababaihan.
Inihalimbawa nila ang pantay na pasahod sa mga kababaihan.
Hindi lamang ito ang unang beses na nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan dahil noong 1991 ay isinagawa ang malawakang kilos protesta para sa parehas na panawagan.