-- Advertisements --

Naniniwala ang mga kababayan ni Carlo Acutis sa Milan Italy, na tuluyan na itong maging santo.

Ito ay matapos na ma-beatified siya bayan ng Assisi.

Ang 15-anyos na si Acutis ay pumanaw noong 2006 dahil sa leukemia.

Tinatawag na siya ngayon bilang “The Patron Saint of the Internet”.

Inilagay siya ng Vatican sa pagiging santo matapos ang milagrong ginawa nito sa buhay ng isang binata.

Sinasabing bumaba ito mula sa langit noong 2013 para pagalingin ang isang Brazilian boy na dinapuan ng kakaibang pancreatic disaease.

Itinuturing siya na pinakabatang tao na ma-beatified na isang hakbang na lamang para tuluyang maging santo.

Ipinanganak sa London noong Mayo 1991 kung saan ang mga magulang nito ay mga Italian hanggang tuluyan silang lumipat sa Milan.

Ginagamit nito ang internet sa pagsilbi sa Diyos.

Nakitaan na ng kaniyang inang si Antonia Salzano si Carlo na maging santo dahil sa kabutihan nito ng loob.