-- Advertisements --

Naikwento ng ina ni Hidilyn Diaz sa Bombo Radyo na agad umanong binati siya ng kanilang mga kababayan kagabi sa Zamboanga City nang malamang nagkampeon sa buong mundo sa Olimpiyada ang kanyang anak sa Tokyo, Japan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Mrs Emelita Diaz, agad umanong bumuhos ang mga tao sa kanilang bahay kagabi.

Nagpasalamat din ito sa mga sumuporta sa anak dahil ito lamang daw ang tumutulong sa kanila.

May nabanggit din ito na baka hindi pa rin naman daw magreretiro si Hidilyn at posibleng lumaban pa sa SEA Games.

Kung maalala ang SEAG ang nitong taon sana gaganapin sa Vietnam pero ipinagpaliban ito sa susunod na taon dahil sa pandemya.