-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Tinutukan ng maraming residente sa lungsod ng Heneral Santos ang laban ni Retired Filipino boxing champion Manny Pacquiao kay Korean martial artist at YouTuber DK Yoo para sa isang exhibition fight sa Korea International Exhibition Center sa South Korea.

Nabatid na panalo si Pacquiao sa six round fight via unanimous decision matapos nitong pinatumba si DK.

Ayon sa mga kababayan nito sa GenSan, ipinamalas ni Manny ang kanyang galing at mistulang hindi pa rin ito kumukupas pagdating sa boxing ring.

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Fred Lumba, isang boxing analyst sa Gensan, sinabi nitong malinaw na papabor kay Manny ang laban.

Aniya, ang premyong makukuha ni Pacman ay itutulong nito sa mga biktima ng Russia-Ukraine war at ang ilang bahagi ay mapupunta umano sa housing project nito sa PIlipinas.