-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binalikan ng reigning Miss Grand Philippines title holder Filipina-Brazilian Nikki Advincula De Moura ang kanyang mga kababayan na naging bahagi ng pageant journey nito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Pagtugon ito ng 19 year old Cagayan de Oro beauty queen sa imbitasyon ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy na uuwi muna sa kanyang hometown bago sasabak sa hectic schedules upang mapaabot ng city government ang pagkilala sa naabot niyang tagumpay at personal pasalamatan ang mga kababayan nito.

Napa-wow ang city hall employees nang dumalo si De Moura habang isinagawa ang Monday flag raising ng lungsod kaninang umaga.

Nagpa-sampol pa ito ng kanyang rampa habang pinanood ng kanyang mga kababayan.

Kaugnay nito,personal nagpaabot ng pasasalamat si Nikki sa lahat ng kanyang mga kababayan.

Puno ang schedule ni De Moura ngayong araw dahil maliban sa kaliwa’t kanan na gagawin na courtesy calls ay isinagawa rin ang motorcade sa mga pangunahing lansangan sa syudad nitong araw.