-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinangako ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na mabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga supporters at tagahanga na makasilip sa labi ni dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. sa City Tourism Hall sa lungsod.

Ito ay matapos mas hinabaan ang pananatili sa lungsod ng namayapang senador hanggang araw ng Biyernes.

Sinabi ni Moreno, 24 oras na bukas ang City Tourism para sa mga taong magpunta at mag alay ng dasal kay Tatay Nene.

Ayon sa alkalde, inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang gagawing tribute bilang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng mga nagawa ni Pimentel, hindi lamang sa Cagayan de Oro kundi maging sa buong bansa.

Magugunitang dati na ring nagsilbi bilang alkalde si Pimentel sa lungsod sa nakalipas na mga taon.