-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Tinupok ng apoy ang ilang mga kabahayan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao dakong alas 6:05 nitong gabi ng Lunes.
Ayon kay Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Musib Tan na may ilang kabahayan sa Brgy Kitango ang nasunog.
Gawa sa kahoy o light materials ang mga kabahayan kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Agad namang nakapagresponde ang mga pamatay sunog at nakontrola ang apoy
Nakatakda namang mamahagi ng tulong ang LGU-Datu Saudi Ampatuan sa mga nasunugan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring sunog.