-- Advertisements --
Hinimok ng Presidential Communications Office ang mga kabataan na huwag magpa kasangkapan sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Ginawa ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao kaalinsabay ng isinagawang Community Campus Caravan sa Leyte Normal University sa Tacloban City.
Ang event na ito ay pinangunahan mismo ng tanggapan ng PCO.
Sa naging pahayag ni Ridao, tinukoy nito ang malaking problema sa disinformation.
Karamihan aniya sa mga fake news na ito ay dinadaan sa internet na bahagi na ng araw-araw na buhay ng pangkalahatan.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan rin ng PCO official ang mga kabataan na sanay hindi sila maging source ng maling impormasyon sa halip ay dapat maging solusyon sa problema.