NAGA CITY-Kinumpirma ng mga kinauukulan na ang mga kabataan sa Kenya ang nagpasimula ng malawakang kilos-protesta sa kanilang nasyon upang kondenahin ang bagong panukalang batas sa pananalapi na nakatakda sanang pirmahan ng kanilang presidente na si William Ruto.
Naging epektibo ang kilos-protesta ng mga kabataan sa Kenya na inorganisa sa pamamagitan lamang ng social media.
Dahil dito, napilitan si Ruto na ibasura ang panukalang batas.
Ayon sa datos ng mga awtoridad sa Kenya, hindi bababa sa 22 sibilyan ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos na paputukan ang mga ito ng mga pulis.
Sa kasalukuyan, magiging malaking hamon ngayon para kay Kenyan President William Ruto na muling makuha ang tiwala at katapatan ng kanilang mga mamamayan.
Nanindigan naman ang presidente na hindi na niya pipirmahan ang nabanggit na panukalang batas.