-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umarangkada na kahapon sa Midsayap, Cotabato ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga batang nasa 5 to 11 years old.

Nasa mahigit 200 mga kabataan sa bayan ang nabigyan ng Pfizer Vaccine.

Upang maaliw at maibsan ang takot ng mga bata sa bakuna, mala Children’s party ang ginawang tema ng Rural Health Unit o RHU-Midsayap ResBakuna Team kung saan makikita ang mga makukulay na lobo, anime photo booth, mga nakacosplay at nakamascot sa mismong vaccination site.

Bawat batang nabakunahan ay nakatanggap ng ‘Sweet Treats’ mula sa Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO-Midsayap at Rotary Club of Midsayap at ‘Kiddie Meal’.

Magpapatuloy ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 – 11 taong gulang sa mga susunod na araw.